Quantcast
Channel: DOCUMENTARY: Zaldy Co, his empire, and the 2025 polls
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3157

[EDITORIAL] Postmort: Saan sumablay ang Democrats?

$
0
0

Na-PTSD ang maraming Pinoy sa resulta ng eleksiyon sa Estados Unidos na malinaw na panalo ng Republican na si Donald Trump laban sa Democrat na si Kamala Harris. It was like going through Ferdinand Marcos Jr. vs Leni Robredo all over again.

Donald Trump, US, US Election

Madaling humanap ng excuse bakit natalo si Harris: nabalahaw ang Democrats dahil ang tagal na in denial ng Joe Biden administration na unfit na ang commander in chief na muling tumakbo, at hindi sapat ang natirang panahon para kay Harris matapos bumitaw ang incumbent.

Mali ang naging approach ni Harris sa messaging — iwas siya nang iwas sa immigration at police defunding questions, at pilit niyang ipinipihit sa abortion, housing subsidy, and tax cuts ang usapin. Hindi niya nabitawan ang mga bagahe ng Biden administration at nabigo siyang maging “candidate of change.” Ever loyal to her boss, inamin pa ni Harris na wala siyang babaguhin sa ginawa ni Biden kung siya ang nakaupo sa Oval Office.

Habang totoo lahat ‘yan, may isang mas malalim na debacle ang mga Democrats na hindi kinayang igpawan ng superior funding o pagiging joyful warrior ni Harris: hindi na sila nangungusap sa working class, lalo na sa nagpupuyos na sama ng loob ng Blacks at Latino men at iba pang marginalized groups.

Napakalaking kabalintunaan: ang bilyonaryong kampiyon ng kapwa bilyonaryo — ang kandidatong nangakong ima-mass deport ang illegal immigrants — ay iniluklok sa White House ng mga kakulay nila ng balat na kapwa immigrant. In other words, they just elected their “deporter in chief.

Anong bubog, peklat, at nagnananang sugat ang pinaghuhugutan ng nakakabaliw na pangyayaring ito? 

“Preachy” daw vs “crazy” ang naging labanan sa US, sabi ng isang white woman na hindi nakapagkolehiyo. Doon daw siya sa “crazy” dahil hindi siya minamata.

Hindi napagtanto ng Democrats na nagkaroon na ng racial realignment — na hindi porque colored person ang botante ay awtomatikong mae-alienate sa racism ni Trump at kikiling sa Dems. Hindi nila napulsuhan ang masa — ang Black, Latino, at poor, rural white voters na hindi nakatungtong sa kolehiyo — na sukang-suka sa mataas na presyo ng bilihin, nagpupuptok ang butsi sa patuloy na pagpapapasok sa mga illegal immigrant na kakompitensiya nila sa trabaho. (BASAHIN: Trump’s return to power fueled by Hispanic, working-class voter support )

They lost faith in the system. At ang sistemang ’yan ay pinatakbo ng Democrats na nasa kapangyarihan nang 12 sa nakalipas na 16 na taon.

Hindi rin mabubuo ang paglalagom kung hindi babanggitin ang papel ng disinformation and lies: aba’y sino pa ba ang tatalo kay No. 1 disinformation agent Trump, na nagsabing kinakain ng immigrant Haitians ang aso’t pusa ng kanilang mga kapitbahay? 

Ang debacle ng “woke” sa Pilipinas ay naging debacle din ng “woke” sa Estados Unidos.

Habang major factor ang disinformation, ang nag-tip ng scale ay ang complicated truth na hindi ipinaliwanag nang maayos ng Dems at ni Harris: lowest in three years ang inflation, pero iniinda pa rin ng mga tao ang napakataas na presyo ng ga bilihin — kahit na sinasabi ng Treasury Department na katumbas ang purchasing power ng American worker ngayon sa purchasing power noong 2019 bago magpandemya. All-time low din ang crime mula 1993, pero hindi ’yan ang testimonial on the ground — pakiramdam ng mga Amerikano ay hindi sila safe.

Higit kailanman, naglaro ang “divides.” Ang racial, gender, income, at educational divides ang naglayo sa puso ng pangkaraniwang tao sa joy-and-hope rhetoric ni Kamala Harris, at nagtulak sa botante papunta sa violent and vengeful rhetoric ni Donald Trump. Halimbawa ng vitriol ng isang supporter niya: Women, back to the kitchen. Abortions, illegal. Gays, back in the closet. Interracial marriage, banned. Illegals, pack your bags. Trannies, back to the asylums. Jesus, back in our schools. We are so back…

Sana’y kapulutan ito ng aral ng political groups sa Pilipinas na nagtutulak ng pagbabago — ’yung makabuluhan, hindi paandar lang. Sana’y isabuhay nila ang engagement, immersion, at honest dialogue sa batayang masa.

Dahil habang “been there, done that” ang Pilipinas, mas mahina ang mga institusyon natin sa pananalanta ng strongmen. At malamang, tayo na naman ang magiging battleground ng autocracy vs democracy sa 2028. – Rappler.com


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3157

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>